Sa kadahilanang ang utak ko ay nagbabakasyon at ako ay nagbabakasyon din nakakatamad talagang gumalaw at magtrabaho. Alam nyo yung feeling na gusto lang mag-party at mag-woohoo sa buong dalawang lingo na to-its. Kung hindi man mag-party ang gusto mo syempre yung tumambay lang sa bahay at kulitin ang iyong mga kapamilya at kamag-anak kasi buong taon mo silang hindi nakikita masyado at ano ba naman yung kahit minsan ay magkikita kita kayo ng buo.
Tapos kahit may trabaho ka na, humingi ka pa din ng pera sa nanay mo kahit hindi ka bibigyan. Masaya kasing humingi…
Pero dahil ako ang nagsusulat, isang malupet na kababawan lang ang ginawa ko simula nung Lunes o nung Linggo o nung nakaraang Huwebes. Ang ginawa ko lang talagang importante sa buhay ko ay manood ng pelikula (na ngayon ko na lang ulit narinig dahil sinabi yun nung kaopisina ko. Ang alam ko lang talaga sine.
Ayun, marami akong pinanood tulad ng Twilight, High School Musical 3: The Senior Year, Harlan County Usa, Kiss Me Kate, Eagle Eye, Shrek The Halls, Creature Unknown, The Village, Final Destination 1 and 2, Explorers, The Great Train Robbery, Mimic, A Trip To The Moon at pordyosporsanto, Twilight ulit.
Yung Dune na palabas. Inantok lang ako. Ewan ko kung baket. Ang dragging na ewan. Baka luma na kasi. Yung Carrie astig, may bold kasi. Bwahahaha. Syempre hindi naman yun yung astig na parte nung pelikula na yun. Nabasa ko kasi yung libro pero ang maganda kasi dun yung mga taong napakaraming namatay. Ang astig e. Pinatay ni Carrie lahat, tapos kumain sya ng Carrie-carrie na may bagoong pagkatapos. Tsalap!
Napanood ko din yung Saw V (saw saw saw saw saw na yun pag ganun), medyo nawala lang ako sa linya ng storya. Hindi ko kasi natrip-an yung Saw IV (at saw saw saw saw naman sya) pero naintindihan ko pa din. Nandun pa din pala yung excitement nung series. Medyo na-grasp ko pa din yung takbo. Kaya oks pa din. Yung Revenge Of The Nerds panalo pa din kahit na ipalabas ngayon.
Yung Goodfellas, ok lang naman. Aliw lang sya. Churva lang. Yung Vacancy 2, hang panget para sa kin. Parang wala lang. Diba yung nauna dyan yung dun kay Luke Wilson at kay Underworld babe? Ayun, boring din. Pero nung nanood na ko nung Ghost Town, astig na ulit ang lahat. Maganda ang approach nung Ghost Town kasi yung dating nung mga dead people, hindi nakakatakot tsaka bagay talaga kay Ricky Gervais yung supladong Inglatero. Tsaka pretty din si Tea Leoni, kaso kita na yung pagkatanda nya.
Kahit na sinabihan na ko ng nanay ko na depressing ang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag, naaliw pa din ako sa takbo ng storya. Ang hardcore nung movie na yun. Ayun, depressing sya pero diba ang saya ng depressing na pelikula pag masaya ang lahat. Against the flow kasi akow e.
Tapos yung House Bunny ang aliw na palabas. Syempre tungkol sa Playboy bunny yung pelikula pero aliw lang talaga yung takbo. Ang galing na dumb-blonde ni Anna Farris (na walang ka-farris.) Carry nya ang katangahan at maraming magandang punchline yung pelikula kaya ox-clox talaga. At nandun si Katherine Mcphee. Cute sya e. Yung Beverly Hills Chihuahua, nasayang ang oras ko. Ewan ko ba kung bakit nag-box office yun sa States. Walang kakwenta kwenta.
At ang huli na muna sa listahan yung Rushmore ni Wes Anderson.
Ayun. Walang kwenta tong mga movie review ko noh? Wala pa ko sa mood mag-explain o mag-react e. Gusto ko lang manood ng manood hanggang lumuwa ang mata ko tapos kakain ako ng suha. Kasi gusto ko lang.
--=+=--
Yehey. Nagsasayang na muli ako ng oras at pagod at hirap. Whoo!
Ongapala, ito na siguro yung taon na magsimula na kong magbenta ng mga pirated na dvd. Ang gusto ko kasing ibenta yung mga lumang pelikula tsaka yung mga classics talaga (bwahahaha, e classics na nga yung luma e) o kaya yung mga hard-to-find-titles.
Ganito kasi yan, pag bumibili kasi ako
Basta. Dapat ma-set-up ko na sya. Kailangan ko nang kumita ng extra. Tsaka ang hirap talaga kasing maghanap ng mga lumang palabas. Wala akong pakelam kung piracy ito, e mas maganda pa yung mga titles ko sa mga Astrovision na yan e.
BWAHAHAHA. Hang yabang. Meron ba silang My Big Love 2 tsaka A Very Special Love 2? Ako… wala.
0 Statements:
Post a Comment