BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

1.08.2009

Of the Dong2 #

Ating balikan muli ang mga kagila-gilalas na adhikain ni Dong.

Ayon sa nakaraan, si Dong ay isang simpleng Pilipino, parang ikaw at ako, na nabubuhay ng tama at mabuti sa lahat ng bagay ngunit siya ay sobrang minamalas sa pagtagpo at nararapat sa kanyang puso.

Magbalik-tanaw muna tayo sa ating kahapon.

Noong araw, para malaman ni babae na mahal siya ni lalaki, kailangan niyang maging isang alipin. Oo, kailangan niyang maging alipin ng pagmamahal. Ito ay nakikita sa pamamaraan ng pag-iigib, pag-puputol ng kahoy, at kung anu-ano pang mga gawaing bahay na iyong makikita na lang kadalasan sa telebisyon kung ikaw ay nakatira sa siyudad.

Sa panahon ngayon iba na.

Gusto na ng tao ang madalian. At kung hindi man ito madaan sa santong paspasan. Ito na lang ay iniiwanan.

Pero itong si Dong, pagbali-baliktarin mo man ang mundo, gusto pa din niya ang magtyaga ng pangmatagalan. Sa kanyang mg nadaanan, pag mabilis pala ang isang bagay, maaaring hindi maganda ang ikahinatnan nito.

At syempre, sa maniwala man kayo o hindi, masasabi nyo na may ganun pa din palang tao ngayon.

Oo, kasi alipin na ng pagmamahal at sinasapit ni Dong. Aabot siguro parte na magmukha mang tanga si Dong, gagawin pa din nya sa pangalan ng pag-ibig. Dahil itong si Dong, huwaran na tao ito. Gagawin niya ang lahat para makuha lang ang matamis na oo.

Bakit niya ginagawa yun? Dahil sa kanyang pananaw, ang taong ito ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Na talagang sinasamsam niya ang lahat ng oras na kasama niya ang taong ito. Maging ang mga simpleng bati sa kanya ay siguradong nakakapagpaganda ng araw niya.

Pero syempre itong si Dong, tanga talaga yan. Mag-aantay ng mag-aantay yan. Kahit pumuti ang buhok niyan. Si Dong kasi, basta makita na niya ang hinahanap niya sa buhay, hihinto na ang oras para sa kanya at hihintayin na lang niya ang panahon.

Kung hahangin pa din papunta sa kanya ang amihan.

--=+=--

Dahil pathetic talaga si Dong. Bwahahaha. Bow.

0 Statements: