BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

1.07.2009

Of the dong #

Meet Dong. Si Dong ay typical na lalaki lamang. Simple lang syang mamamayan. Parang ikaw, pareho lang kayo. Kung ano ang ginagawa nyo sa pang-araw-araw, ganun din ang ginagawa nya. Matulog, maghilamos, maligo, magtutbras, maglaba, magluto, magtrabaho, matulog ulit, makipagkulitan sa mga kaibigan, at kung anu-ano pang mag.

Syempre may pagkakaiba si Dong sa yo. Kung babae ka, lalaki si Dong.

Si Dong din naman ay hindi gaanong kagwapuhan. Simpleng mamamayan lang siya. Simpleng Pilipino. Parang ikaw. Parang ako.

Si Dong masayang kasama yan kahit papano. Hindi man sya ang buhay ng isang grupo pero isa sya sa maganda ang pananaw sa buhay. Okay kasama kasi positibo ang nilalabas nyang aura. Kaya maraming kaibigan si Dong.

Itong si Dong maraming kakayahan din kahit papano. Para siguro syang all-around na tao. Parang all-around na cleaner pero hindi sya cleaner. Pero marunong syang maglinis.

Hindi din naman natin masasabi na mahirap si Dong, o mayaman. Yung tama lang. Nakakakain naman siya ng tatlong beses sa isang araw.

Kung may trabaho man itong si Dong, hindi naman natin masasabi na matalino talaga siya. Pero dahil masipag siya, nadadaan nya sa tyaga ang lahat. Maraming tao ang nabibilib kay Dong. May award pa nga siya noon.

Pero sa lahat siguro ng kaswertehan nitong si Dong, isa lang talaga ang sabit sa kanya. Yung lovelife nya.

Marami na din siguro syang naka-partner. May mga matatalino, may tama lang, may mga mayayaman, at may tama lang. Lagi siyang swerte sa simula. Kumbaga sa lotto, jackpot talaga ang mga nakaka-partner niya. Yun bang talagang crush ng bayan. Ibang klase kasi tong si Dong, iba ang swerte niya.

Malas kasi siya. Laging kapos ang nangyayari kay Dong. Napakarami niya kasing pagmamahal na kayang ibigay pero lagi siyang iniiwan. Kawawa talaga itong si Dong.

Mag-isa si Dong ngayon. Nag-aalaga lang ng aso sa bahay nila. Minsan nga yung aso, hindi pa tumutugon sa kanya.

Pero ito ang sinisigurado ni Dong, kung may dumating man sa kanya na babae. Lubos na pagmamahal ang ibibigay niya. Pipilitin niyang ibigay yung kaya niya. Ipaglalaban niya ang pagmamahal sa taong yaon. Magiging isang mabuting lalaki itong si Dong.

Yan si Dong, pathetic.

--=+=--

BWAHAHA. Walang kakwenta-kwenta yung storya. Buti pa siguro manood na lang ako ng Blackadder. Malapit ko nang matapos!!!! Yahoo!

Anak ng ewan. Ngayon ko lang napansin. Ang emo ni Dong! Bwahahahaha!

0 Statements: