Mukhang ako muna ay magpapahinga sa pag-iisip ng kung anu-anong kahibangan dito sa mundo ng Internet. Ako ay lubos na maraming ginagawa sa kasalukuyan datapwat ako pa din ay magsusulat araw-araw. Dahil yun ang pangako ko sa sarili ko. Ang gumawa ng kahunghangan araw-araw.
--=+=--
Alas dos na halos y media ng madaling araw ngayon. Oo, as in now na. Pero naiisip ko pa din yung kinahinatnan nung pelikulang Annie Hall. Dapat talaga sila ang nagkatuluyan e. Kumbaga sa chienes na malupet, kung sila naman dapat para sa isa’t isa e di sila.
Pero ang gago naman kasi nung lalaki. Mahal naman pala nya yung babae kung ano ano pang mga kapapelan ang gusto nyang mangyari sa buhay. Ayan tuloy, tayong mga nanonood ay naipit sa takbo ng storya. Paksyet sya.
At epektib na epektib ang paggamit ni Woody Allen ng Breaking the… ano nga yun? Fourth wall yata yun. Yun bang, bigla nyang kakausapin ang audience kasi trip lang nya.
Parang choose your own adventure. Pero hindi ganun.
Ay hindi, magulo na ko.
--=+=--
Ngayon ko lang napansin na nasa line of 3 na pala ang kada-litro ng gasoline. Pero nagtataka naman ako ngayon, hindi yata nagbababa ng presyo ang mga pampublikong sasakyan.
O ako lang yata yun.
--=+=--
Kung alam nyo nang mananalo kayong sigurado sa major prize sa isang patimpalak at alam nyong kayo lang ang sasali dun kasi hindi na interesado ang ibang mga grupo, gagalingan nyo pa din ba?
Wala lang.
Inaantok na ko. Ang chorva ng araw ko. Kasi naman because, kung sino man yung malakas kumontra kanina. Kakantahin yung Tagalog version ng Always Be My Baby ni David Cook.
Anak ng ewan kung sino man ang kumanta nun.
--=+=--
At pangalawang anak ng ewan, bukas na pala yung sa JCL. Blech.
0 Statements:
Post a Comment