BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

12.29.2008

Of a filler.

Hindi na ko makanda-ugaga sa pagtatapos ng taong 2008. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ito emo post sa totoo lang. Napakarami din namang magandang nangyari tulad ng pagpapa-hello ni Britney Spears o yung mga anatomy pictures ni Vanessa Hudgens at ni Vanessa Minillo.

Panalo pa din kasi ang 2008 at dumating sa buhay natin ang mga magagandang palabas tulad ng Camp Rock, High School Musical 3 at syempre humabol yung pinakaaabangan ko, yung Twilight (pati yung libro syempre. Hardcore yun!)

We watch the season pull up its own stakes
And catch the last weekend of the last week
Before the gold and the glimmer have been replaced,
Another sun soaked season fades away

Ang astig din naman syempre ng local showbiz. Kahit na hindi ganun karami ang nasundan ko, panalo pa din ang ka-hardcore-an ng mga nangyari. May nag-break, nag-away, nag-demanda, nagkabalikan, nagpakasal, at nagpaka-pokpok sa mga magazine na akala nila ay rerespetuhin sila pero ngunit datapwat mauuwi lang yan sa isang rason. Pera.

Invitation only, grant farewells
Crush the best one, of the best ones
Clear liquor and cloudy eyed, too early to say goodnight

Nandun pa din syempre yung nag-walk out sa Game Ka Na Ba. Hindi nga ganun ka-klaro e. Pero alam ko merong nag-inarte. At syempre hindi mawawala ang mga hardcore na walang alam sa paghohost ng national television. Hindi mo din maiintindihan na ang mga ordinaryong tao ay naaaliw dun sa host na yun. Maaaring yung boses nya kasi umaabot ng maayos para sa marginalized people. Mas gusto nila siguro yung madumi yung dila. Pero sila na lang yun.

And from the ballroom floor we are in celebration
One good stretch before our hibernation
Our dreams assured and we all, will sleep well

Oo, showbiz lang talaga siguro ang nagpayanig ng taon. Bwahahaha. Syempre, hindi ko pa naman binabalikan ng todo ang buong taon. Nag-isip lang naman ako ng isang topic at nag-back track ako. Pati kasi yung Ang Pinaka kahapon tungkol sa showbiz ang pinag-uusapan so anong magagawa ko? Parang LSS yan e. Pero hindi sya kanta kaya hindi poide ang LSS. Ay wait, poide pala! Last Showbiz Syndrome.

I watch you spin around in the highest heels
You are the best one, of the best ones
We all look like we feel

Pero minsan nakakapagod din naman pala talaga ang showbiz. Kahit na hindi ako part eng mundo ng showbiz éclat na yan. Nakakapagod na din yung mga ayaw umamin, mga nananakit, mga akala mo kung sino, mga ere ng mga malakas pa sa ere, mga ewan.

Kaya nga sana masagana sa showbiz industry ang 2009. Maging hitik sana sa marami pang chismis at sana ganahan na muli akong manood ng mga Sunday showbiz shows dahil araw-araw kasi nakatutok ako sa TMZ at isama mo na din yung may Kirstie Alley look-alike host show na The Dish.

At isa pa. Sana yang lintik na showbiz na yan, makapag-provide naman sana sa atin ng maraming pang-comedy. Napakahirap maging malungkot. Nalalapit na ang election at ang panalo dyan malamang yung mga advertisement nila sa TV.

Ayun. Chorva lang. Nagsayang lang ako ng bandwidth.

You have stolen my heart…

0 Statements: