BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

12.02.2008

Of another moment.

Nangyari na ba sa inyo yung umiikot ang utak nyo sa dami ng mga nangyayari sa inyo sa inyong buhay na hindi nyo alam kung ano na yung nangyayari na umaabot na yung point na gusto mo na lang nakatutok sa blanko ang utak mo ngayon or sa ispeys para mas cute pakinggan.

Speys o espasyo basta hindi espasol baka magka-diabetes ako.

Nakakatawa sigurong isipin na sa laki ng sangkatauhang ito e irereklamo nyo na sa inyo mangyayari ang mga bagay bagay…

Hahaha. Churva lang.

--=+=--

May nadaanan ako sumwhere na local comics na matagal nang existing pero hindi ko pinapansin kasi hindi naman ako nagkakaroon ng chance na basahin yun o whatsoever. Yung kuborikikiam.

Powtek. Ang hardcore pala nun.

--=+=--

Naalala ko din yung movie na True Lies kani-kanina lang. May part kasi si Jamie Lee Curtis dun na pa-sexy effect pero nakakatawa talaga yung scene na yun nung kasama nya si Arnold. Ang effective nung movie nay un, hindi dahil sa patawa lang yung movie pero may mga unforgettable scenes pa din naman kasi sya.

Tulad nung sinabi ko, pati na din yung ginamit na eroplano sa movie na yun. Yung nag-land ng pa-vertical.

Nakakainis ang ala-ala no? Mabuti pa si Jim Carrey sa movie na Eternal Sunshine of The Spotless Mind o kahit na yung movie ni Robin Williams na tungkol sa mga memories din na nakalimutan ko na yung title.

Sana dalawa ang ginawa ng Diyos sa tin, ang mawala lahat ng mga bad memories o kaya ang hindi ka makaramdam ng mga masasakit. Ay mali, ang hindi pala dapat ginawa…

--=+=--

Pero yan namang lahat ng mga masasama na yan ang nakabubuti lamang sa isang tao. Kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo, ang mga bad memories na yan ang makakatulong sa yo.

Pero panalo pa din naman kasi yung movie na Spotless, kumbaga sa isang comics noon ni Pol Medina, history is just repeating itself. O destiny (parang cable) ang nangyari dun kay Jim Carrey at Kate Winslet.

Potah ano yan, selective memory?

--=+=--


Selective memory never works for me. I remember a lot of things. It may come as an advantage or a disadvantage and it’s ok.

So, baket ang emo-emo ng post mo ngayon?

Kasi mag-Papasko.

Bad trip kasi pag Pasko.

Kasi eto yung time of the year na, alam mo yun, kailangan mong magbigay pero hindi mo alam yung ibibigay mo. Dun yung part na hirap na hirap ako e. Gustuhin ko man talaga magbigay sa lahat, e hindi ko naman alam ang ibibigay ko. Kaya nga hindi na lang ako nagbibigay.

Hahaha. Walang kwenta.

Parang life.

--=+=--

At nakakainis ang skill ko. Kaya ko na talagang magtagpi tagpi ng mga bagay-bagay.

0 Statements: