BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

8.12.2008

Of sa pagsasayang ng malawak-na-banda

Ang mga sumusunod na nasusulat ay nangangailangan ng gabay ng mga magulang.

--=+=--

Ako lamang ay napag-isip isip kamakailan. May pagkakaiba ba ang pagtratrabaho at ang isang-gabing nakatayo?

Naisip ko lang naman. Maaaring magkaiba ang ideyolohiya ng dalawa pero marami syang kaparehong katangian.

Dun tayo sa pinaka-sigurado. Sa dalawang bagay na aking sinabi kung umabot ang punto na mahal mo na yun, maaaring hindi ka mahalin din. Diba? Pag minahal mo ang trabaho, maaaring hindi ka mahalin nito. At ganun din sa IGN. Mas kita nga lang ang resulta sa IGN.

Kung marami kang trabaho siguradong mapapagod ka. Maaaring magkasakit ka. Tulad ko, walang tulog, inabot ako ng bulutong sa kasawiang palad. Kung marami naman ikaw ka-IGN maaaring magkasakit ka din. Hindi nga lang sa kapaguran kundi sa mga sakit na hindi kaagad nalulunasan o wala talagang lunas.

Sa aming trabaho na bilang isang IT (o kahit anong pasok sa paksa ng kompyuter), maaari naming gawin kahit san ang trabaho naming. Basta may kompyuter ka lang at Internet ok ka na. Sa IGN ganun din, kahit san sa Manila, basta malapit ka sa Pasig o Sta. Mesa, wala ka ding problema.

Sa trabaho, sa simula pa lang siguradong excited ka sa ginagawa mo. Maaaring umabot ng taon bago ka magsawa. Sabay lipat kung ayaw na. Ganun din sa IGN. Kung madalas na yung sa IGN, may tawag sila dun. Hindi ko masasabi dito pero kung napanood nyo ang palabas na ’40-year-old virgin’, maaaring alam nyo na ang tinutukoy ko.

At sa trabaho, posibleng may mga oras kang tinrabaho pero hindi babayaran. Kumbaga, O-TY. Ganun din sa IGN, wag mong expect na bayaran ka. Pero kung pinag usapan nyo na babayaran ka, hindi na IGN yun. Tsaka malamang kung babayaran ka sa IGN, hindi sya pera. Maaaring damit o libro o de latang malupit.

Pwedeng pwede din naman mag-resign sa trabaho. Ganun din sa IGN. Pwede mo nang itigil ang iyong kahibangan at maging isang maayos na mamamayan at itigil na ang pagkaurbanidad.

Naks.

--=+=--

At bakit ba eto ang naisip kong isulat? Asan na ang ‘child-friendly-weather-station-channel’?

Hayaan mo na. Adeek ka kasi.

At wala na naman po tong punto. Puto meron sa pridyider. Halina at tayo ay kumain.

0 Statements: