BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

11.30.2008

Of somefing pink.

Shucks. Ang hirap maging laos noh? Umaabot sa point na pag ikaw mismo ang nakakakilala sa taong yun, malulungkot ka din. Kasi one day in your life naging idol mo sya parang si April Boy Regino na idol naman nating lahat talaga.

Mababaw lang talaga tong sinusulat ko ngayon.

Nung isang araw kasi nanonood ako ng TMZ tapos ngayon naman napanood ko yung mga old-school na wrestling nung nakasuhan yata sila ng copyright law kasi parehong WWF yung pangalan nila sa World Wide Fund (hahaha. Tama ba?)

Eto na nga… ininterview si Bret Hart (na talagang sya ang idolo ko sa Wrestling at hindi si Hulk Hogan, trip ko kasi ang pink kesa sa yellow e.) nung cameraman ng TMZ, ang sabi:

TMZ: “So, are you still the best there is, the best there was, and the best there ever will be?”

Hitman: “No, I’m just the best there was…”

Powtah naman. Nakaka-degrade diba? Halos labing-limang taon na ang lumipas at ganyan pala ang tingin nya sa sarili nya. Grabe naman kasi yung tinanim nyang sama ng loob kena Vince Mcmahon. Sana lumaro na lang sya.

Pero kunsabagay pride ang umiral. Sayang nga lang ang milliong dolyares na kinikita nya sana ngayon.

--=+=--

At ang lupet naman talaga nung mga humawak sa E-heads concert nung Agosto. Grabeysius din naman diba, talagang tinodo na nila ang paggamit sa event na yun. Paksyet sa mga taong nanood na tulad ko na ipapalabas din naman pala yun sa sinehan.

Pero talagang oks lang na nanood ako nung concert nung araw na yun.

Ngayon, hindi ko na alam kung may mga dagdag ba dun sa concert. Kasi dun sa video board nila, maraming dinagdag at syempre mga behind the scenes din. Kung kasama ang lahat ng mga yun, siguradong manonood ako. Pero kung yung concert lamang at kung yun lang… aba, mag-iintay na lang siguro ako ng pirated.

E sigurado naman na maglalabas sila ng dvd at vcd nyan diba.

Ano pa ba ang balak nila. Poster book? Audiography ng mga pangyayari. E-heads book na may starting title na Ely sa libro tapos isusulat lahat dun yung mga accounts nya. At syempre aabot pa yan ng book four kasi kasama syempre sina Marcus, Raims, at Buddy.

At may book five pa yan. Pramis. Kasi syempre may account din yung fifth E-heads nung gabi na yun, yung myembro ng Itchyworms.

--=+=--

Maglabas na lang kasi kayo ng bobbleheads na E-heads. Mas ok pa ko. Sigurado, wishlist ko na yan sa Pasko.

Tsaka bobblehead ni Kuya Germs, poide din. At ang paborito nyang alaga na si Billy Crawford. Buti na lang hindi-ala Michael Jackson si Master Showman.

--=+=--

Gusto kong manood. =(

0 Statements: