BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

11.09.2008

Of i'm down and funkee.

Nitong nakaraang Biyernes lamang nagkaroon ng “quickie” na meet-up ang mga matatandang mga orientor (BUWAHAHAHAHAHA, pero hindi ako kasama dun. Yung dalawa lang talaga. Oo, yung dalawang Voltes V. Bata pa kaming nasa Bozanian army). Yung isa kasi kagagaling lang ng States at na-miss nya ang local na version ng Margarita sa Hard Rock Café (eh?) Inanyanyahan niya kami kasi gusto nyang manood ng concert ng Freestyle.

Pero bago ang Freestyle, may naunang tumugtog. Yung grupong 3rd Avenue. Sa kagandahang palad, kinanta nila yung paborito kong Bleeding Love, Low, at Umbrella. Putangina, ang saya-saya ko. Gusto kong mag ledge dancing. Pero pinigil na lang nila ako kasi pinaalala sa kin na masakit na ang binti ko (pero putangina talaga).

Ang nakakatawa kasi sa mga nangyayari sa lugar na yon. Napakaraming mga foreigner at mga ‘special guests’ (yan ang term nung kasama ko). Hindi sa nang-aapi ako ng tao. Naniniwala pa din kasi ako sa isang moral na buhay. Kung hindi kayo sanay makakita ng mga taong ganito, malamang hindi ko na kailangang sabihin na kumain na lang kayo dun sa katabing gusali (yung Salamat aming Diyos Biyernes na o SDB for short).

Ngayon ang mga manonood ay hindi naiintindihan ang mga kinakanta nung banda. In short, flop yung unang set nila. Bumawi sila sa second set. Tumugtog sila ng Tagalog medley. Hindi Tagalog versions ng Low at Umbrella a (powtah naman) pero mga old-school talaga. Tulad ng Umagang Kay Ganda at Maging Sino Ka Man (yata…) Syempre bebenta yun sa mga tao dun. (para sa kin keber lang yun, this is in reference to our friend bjie)

At yung pangatlong set yata, mga nakakasayaw na kanta na. E ang dance music naman, kesyo luma yan, kesyo bago, keber ulit. At kahit nakakaasiwa sa mata ang sayaw ng iba sa ting mga kababayan, keber na lang. Ganun talaga e. Kanya kanyang trip lang yan sa buhay.

Inabot din ng alas-dose ang Freestyle para sa kanilang concert. Ang pagkakaalam naming alas-diyes pa yata dapat. Pero keber pa din (o… gasgas na yan… churva-ers na lang dapat).

Nung mga panahong yun, may Obama victory party din sa may private room ng HRC. E ang malupet na Freestyle, kumanta ba naman ng mga kantang pang-negro. Walang halong biro yan. Magmula kay Michael Jackson, Next, Jackson Five, Will Smith, Arrested Development at kung ano-ano pa. Hindi naman ganun kasakit sa ulo pero naman diba. Isfesysyal ang gabi para sa mga negro.

Nag-dalawang set ang Freestyle. Puro yun lang ang kanta nila. Wala silang kinantang OPM. Nalungkot yung kasama kong hardcore sa Freestyle na dinala pa naman nya yung mga CD nya at pina-otograp. Kinuwento ko nga to sa nanay ko, ang sabi na lang nya e yun nga ang inaabangan ng tao diba? Baket hindi kinanta?

E bakit nga ba?

Wala lang. Nakakalungkot din kasing makita na parang nilalangaw na pala ang mga shows nitong Freestyle. Nung college ako, ang lupet nila noon. Isipin mo ba naman. Hahataw si Jinky sa stage tapos may mga binata noon na talagang pupunasan pa yung pawis nya at kanilang sasambahin.

Pero syempre ang tao tumatanda. Nawawala yung pagiging heartthrob nya pero in fairness may asim pa naman si Jinky. Pero keber ko ba.

Pero basta, nagulat ako at aanim na lang yata ang may table na nakikinig sa Freestyle at sumasayaw pa din ang mga ‘special guests’.

Ang sakit kasi sa ulo talaga e.

At ngayon na lang din ako nanood ng mga concert na ganyan…

--=+=--

Salamat nga pala kay Tina sa masarap na kain naming sa HRC. Pasensya na sa pag-bash sa Freestyle, hindi ko lang mapigilan. Ang lupet kasi ni Joshua aka Falcetto slash synthetic voice e. Pati mga high-pitched tones ni Michael Jackson kaya. Adeek yung taong yun.

0 Statements: