BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

7.28.2008

Of minsan lang to-its.

Para maiba naman…

--=+=--

Lagi na lang akong nakakarinig ng mga tricycle at jeepney na nagpapatugtog ng mga kantang hip-hop. Hindi ko inaapi ang pagiging hip-hop ng mga tao. Ako man ay nakikinig sa mga kantang ito ngunit umaabot kasi sa loob-loob ng aking tenga ang lakas ng bass ng mga stereo nila.

Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan kung bakit mo kailangang ilakas ng ganun ang speaker. Maaaring ang media ang gumabay sa mga nagpapatugtog na ito pero naman diba? Panahon pa ni Limahong nauso ang mga ganitong bagay.

Isipin na lang natin, kung nasa labas na nga tayo ng kanilang sasakyan at naaasiwa sa lakas ng kanilang mga tugtugin paano pa kaya yung mga taong nakasakay sa loob ng kanilang mga behikulo?

Mabuti na nga lang kahit papano na ang mga kantang pinapatugtog ngayon ay hindi katulad noon na paulit-ulit na lang ang remixed version ng My Heart Will Go On. Gayunpaman, masakit pa rin sa tenga ang mga tinutugtog nila ngayon. Kunsabagay kung gaano ka kalakas magpatugtog sa iyong tahanan maaaring ok lang din sa iyo ang iyong ginagawa.

Sana man lang naiisip nila ang ibang tao.

Ngayon, sa aking pagkakaalam at dahil pasukan na muli ng mga estudyante; nalalapit na ang Linggo ng Wika. Tulungan naman nating ipatupad ang naiisip ng aking damdamin.

Ilabas na po natin ang mga plaka ng mga sumusunod na kanta: Ati Cu Pung Singsing, Pamulinawen, Sitsiritsit, at marami pang mga katutubong kanta. Atin nating itaguyod ang wikang Pilipino. At baka naman sabihin nila na hindi tayo sumasabay sa uso. Atin na din pong i-remix ang mga nasabi kong kanta. Mainam na ito para sa lahat. Kumbaga sa kasabihan “isa itong panalo-panalong sitwasyon”.

--=+=--

At napansin ko lang. Hindi yata masyadong nakakaaliw ang aking gustong ipamahayag. Wala lang. Ayon lang sa nararamdaman ng aking puso.

Parang masarap na lang kumain ng dose-dosenang paa ng manok. Tapos isasawsaw mo sa suka o sa kung ano mang masarap na sawsawan.

Maaari itong iulam o kaya ay ipampulutan.

Bakit parang walang kwenta na naman ang aking mga pinagsusulat dito? At ano ba sa tagalog ang blog? Sa aking nalalaman wala pa ding tagalog ang salitang online at dahil nga mahina ako sa pagsasalipat sa tagalog ng mga banyagang salita, hindi ko din alam ang tagalog ng salitang journal.

Ang alam ko lang Journal Magdangal.

Ayawan na…

--=+=--

Anak ng teteng naman. Ganyan ba ang SONA natin?

Maaaring hindi ko alam ang patakaran kung may pangyayaring ganyan, na kung dapat ba ay magsuot ng magarang damit para lang sa salitang hindi natin sigurado kung mabuti ang lahat.

Dinaig pa natin ang Oscars at Emmys.

Arudyosko.

At isa lang ang gusto kong narinig, wala nang buwis para sa mga ordinaryong manggagawa.

Yun lang.

--=+=--

Hindi ako sigurado kung talagang Linggo na ng Wika.

0 Statements: