Nung isang araw lang, humihingi ako ng payo sa nanay ko kasi churvae lang. Ngayon, sinabi nya bigla sa kin, “Patingin nga ng palad mo…” Dahil ako ay isang mapalad na nilalang, aking ipinakita ang aking palad sa aking ina. Ang tanging sagot niya ay, “ang gulo nyang ano at ng ano at ng sex life mo.” (megaaannuunnn? Walang ganun syempre.)
Sinabi nya sa kin na ang contradictory ko daw. Kung pamilyar kayo sa mga linya ng palad yung dalawang naglalakihang pahigang mga linya (na minsan ay kuluntoy o baku-bako) ay nangangailangan lang ng malupet na direction. Sinabi ko naman sa nanay ko, nasa proseso ako ng pag-aayos ngayon. Kaya siguro ganun yun.
Ganun (ba talaga) yun? Meggaannuunnn???
Ititigil ko na nga muna yang hirit ni Mister Foo, sumasakit na din ang mata ko sa kakabasa ng meganun na yan.
Naiisip ko lang kasi na ang paniniwala ko talaga ay ang gawin na ang lahat ngayon. Alam niyo naman siguro yung kataga ng Nike at ng DOH na “Bongga ka day”. Yun siguro ang forever ko nang gagamitin. Kasi, kung hindi ko gagawin ito, kelan ko pa siya gagalawin este gagawin. Mabuti nang nagawa ko ang isang bagay at ang weirdong paniniwala ko na kaunti lang ang oras para sa mga bagay-bagay.
Pero ang lagi ko din namang sinasabi ay, “ang buhay natin mahaba kahit papano.”
Na anak ng kalungkutan talaga, magulo.
Pero masarap din naman di ba na gawin na ang lahat. May mga bagay kasi na importante sa buhay ko ngayon na dapat bigyang pansin at lagyan ng “urgent” oras at prioridad.
At ang nakakatawa kasi sa kin, hindi ko man pinahahalata sa sarili ko at basta tinutok ko yung sarili ko sa isang bagay o kung ano man, talaga lubos lubos ang oras ko dun. Minsan nga, pagtatawanan ko na ang sarili ko na, “oy, ayan ka na naman. Wala ka na namang oras sa sarili mo.”
Sinasabihan ko na lang sya ng, “keber mo ba. Mahalaga tong ginagawa ko. Lumayo layo ka at baka ipalamon ko sa iyo yung kada patak ng uhog na may kulangot ni Mang Kepweng.”
Marami man ang magsabi na nasisiraan ako ng ulo ngayon. Wala akong pakelam. Masaya ako sa nangyayari. Gaano man kababaw. Woo-hoo na woo-hoo lang ang nadarama ko. At kung gaano man kaliit yan, ngiti lang ang sumasalubong sa kin.
Oo. Baliw ako…
Pero hanggang diyan lang ang sasabihin ko sa ngayon.
--=+=--
The wonders of on-call…
0 Statements:
Post a Comment