BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

2.22.2009

Of the hosts #

Paano na ang late night viewing habit ko? San ko pa isisiksik ang oras na isasayang sa panonood ko ng mga late night shows?

Ganito kasi iyan, itong si David Letterman nasa Maxx ngayon, siya talaga ang favorite kong late night show host (syempre kasama yung show) pero dahil hindi komportable sa kin ang paglipat lipat sa channel 23, iniiwan ko na lang sa Jacktv yung panonood ko. Ok na din ako dun. Nami-miss ko lang kasi yung sarcasm ni David pero oks lang talaga.

Si Jay Leno kasi (alam ko kasabay ito ng David Letterman), sa aking pagkakaintindi, bumebenta madalas yung mga bastos jokes niya at may mga memorable na skit tulad ng Judgmental Bastard at yung Jaywalking. Mas gusto ko pa nga si Conan O’brien kasi kahit sobrang korni ng skit at ng joke, yung ginugugol nilang effort sa paggawa nun, nakikita mo. At ang titigas talaga ng mukha nila na gawin yun, “kahit sabit ok lang” (parang buhay natin…)

Isa lang ang kinatatakot ko, paano na si masturbating bear? Makikita ko pa din kaya siya?

Nagpapaalam na kasi sila Conan sa set niya e last week na ngayon. Paano na pagdating ng Marso, ang pagkakaintindi ko puro replay na daw yung ipapalabas habang pumu-puwesto na tong si Jimmy Fallon.

So, ano na yan? Apat na yung possibleng aabangan ko pag gabi? Nakakapagod di ba?

Malaki na din naman kasi ang possibility na mag-retire na itong si David at talagang matindi ang cross-fingers ko ngayon para kay Jimmy, sana wag siyang mag super-suck.

Napapanood ko din naman siya sa Saturday Night Live noon pati na din yung hosting stints niya pag may MTV movie awards pero syempre iba pa din ang approach ng pang-araw-araw di ba? Syempre, nandyan yung magsasawa ka kaagad pag nakita mong hindi patok ang show niya (pero in fairness, itong si Conan din naman noon, walang kwenta yung show niya, kelan lang naman pumick-up.)

Ang laki ng problema ko noh?

As usual, walang kwenta.

At oo, naiyak ako sa paalam episode ni Conan. Hikbi.

--=+=--

Napanood ko din yung isang news item sa Estados Unidos tungkol sa isang babaeng newscaster na sumabit sa pagbigkas ng salitang ‘peanut’ at ginawa niyang ‘penis’. Panalo di ba? Tungkol ito sa pamimigay daw ng mani sa Northwest Airlines at imagine niyo na lang na mga Penises ang pinamimigay sa mga eroplanong ito.

At dahil tinatamad akong maghanap ng mga link para dito. Nandyan naman si Google. (dahil napakainam kong maging isang journalist. Pangarap ko kasi yun.)

--=+=--

At syempre wag din nating kalimutan yung mga high school students na nambubugbog at nabubugbog.

Oo, wala na naman akong link para dun.

Pero ayun, nakakagulat lang talaga ang mga kabataan ngayon. Iba na ang mga soiree soiree na yan.

Kunsabagay, nung panahon ko, hindi din naman ako pinapayagan kaya hindi ko din masasabi kung ano ba dapat ang nangyayari pag may mga meet-up ng mga all-boys at mga all-gels.

Eto ang sigurado, pag tumuloy pa yan. Fucked up na ang next generation. Lagi ko namang pinagdadasal na hindi maging ganyan sana.

--=+=--

Woo-hoo. Pasensya na. Seryoso. Kailangan din naman nating maging seryoso paminsan-minsan.

0 Statements: