BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

2.12.2009

Of the employee #

So, nandito na naman ako magkukumpara ng bagay tulad ng love sa isang aktibidades. Dahil gusto ko munang mag-unwind ditto sa trabaho. At medyo overwhelming ang darating na trabaho, susubukan ko itong churva na to. Subok lang naman. Wala pa kong naiisip sa utak ko kung magiging successful itong ipagsusulat ko, pero alam ko never pa kong naging successful sa kahit ano.

Ay wait. Successful pala ako sa pagtulog kanina. Siyam na oras. Woo-hoo!

Naisip ko kanina, kung sasapul ba ang ideya na ang pag-iibigan ba ng dalawang trabaho ay nababagay sa pag-aapply at yung trabaho mismo.

Sa simula kasi medyo may pagkapareho yung dalawa. Kung iisipin natin, si lalaki (sa ating kultura lang siguro ito at hindi sapul sa lahat ng mamamayan magpakailanpaman) manliligaw kay babae, parang nag-apply ka ng trabaho. Ganun din naman kahit papano diba?

Si babae naman, pag medyo ok ka sa qualifications nya, magkakaroon ka, bilang lalaki, ng posibilidad na makuha mo ang inaasam mo sa puso niya. Parang trabaho din, na pag na-swak yung initial qualifications mo sa pag-apply mo sa trabaho, makakapasok ka malamang.

Syempre yung interview at tests sa trabaho equal yun dun sa getting to know each other na din. Kung ako yung babae, kailangan kong ma-check muna kung malaki ba ang katopakan nung naghahangad na chumorva sa kin.

Tapos, darating ang waiting period. Maaaring hardcore na matagal. Maaaring quickie lang na katumbas naman ng pagiging probee or probationary sa isang kumpanya.

Sa period na yan, nandyan na yung pangangapa niyo sa dilim, ay mali, pagtagal na pala niyong dalawa yun… nandyan na yung pangangapa niyo sa isa’t isa at pati na din sa kumpanya. Siguro, ang panalo lang sa dalawa ay yung sa kumpanya, malaki kasi ang chances ng isang tao sa isang kumpanya. Sure yun. Pero sa panliligaw, medyo tagilid ka pa din dyan. At siguro, para maging klaro sa lahat ng kalalakihan, hindi porke’t may pag-asa ka sa panliligaw, e yun na yun. Na magiging regular ka na. Nandun pa din yung pagkakataon na mabasted ka.

Ititigil ko na muna dito ito, kasi yung naiisip ko medyo panget na. Parang hindi bagay sa darating na Araw ng mga Puso.

Ang tanong ko kasi dun e paano kung yung empleyado, pinipirata na ng isa pang kumpanya? E di ba ampanget na nun pag sa usapang pagmamahalan?

--=+=--

Sa mga single, hindi dapat maging malungkot.

Sa mga in a relationship, wag nyong pababayaan yan.

At poker night time sa Balentayms. Woohoo!

0 Statements: