Ang tao talaga likas na mahaba ang pasensya. Lalo na ang mga Asyano. Ang mga nakatira kasi sa
Itong munting isusulat ko ay dala lang ng aking sariling opinion. Hindi ako galit ngayon pero marami din akong ayaw sa mundo. Parang ikaw. Oo, ikaw tsaka ikaw. Kayo. May mga kinaiinisan din naman kahit papano. Oo, sibilisado ako pero may drama din ako. Idol ko kasi yung leading man ng Psych. Madami akong nakikita. Ang tawag dun matang bubuyog (akala mo Powers of Observation no.)
Hindi ko gusto yung mga taong nakaharang sa daan lalong-lalo na kung yun lang ang dadaanan ko at mas hindi ko gusto kung titingnan ka pa ng masama dahil dumaan ka doon. Hindi ko gusto yung mga taong sabay sabay maglakad tapos ang bagal nilang maglakad at wala kang madaanan, paano kung nagmamadali ka? Hindi ko din gusto yung mga mahilig sumingit, tinititigan ko yun hanggang matunaw sila tapos ihahalo ko sa kape ko parang lalong pumait.
Hindi ko gusto yung dinededma ako ng mga taong dapat na pinapansin ako tulad sa pagbabayad sa isang grocery, 7-11 or kung ano man, ako na nga yung magbabayad parang utang na loob ko pa ang paglapit sa inyo, trabaho nyo po yan. At hindi ko din gusto yung mga taong buntot ng buntot sa kin pag may hinahanap ako sa isang mall, kung may kailangan ako, ako ang lalapit sa inyo, at wala po akong balak mag-umit ng kung ano man sa inyo, hindi ko po nanakawin yang t-back na yan, wala akong paggagamitan sa panandalian.
Hindi ko gusto yung mga taong sapilitan kang hihingan ng kung ano man tulad ng donasyon, load, o dura, bakit ako magbibigay sa inyo ng donasyon? Kung gusto kong magbigay ng donasyon, pupunta ako sa pinakamalapit na institusyon ng charity at dun ako magbibigay dahil gusto kong makita ang mga mata ng mga batang tinutulungan ko. At hindi ko din gusto yung mga taong nangungulit na magpalit ng relihiyon. Ateista ako at ayoko ng Diyos. Biro lang. Kung gusto kong magpalit ng relihiyon,
Hindi ko din gusto ang mga taong nagmamagaling kahit na may historya na ikaw ng kapalpakan at hindi ko din gusto ang mga taong magagaling pero hirap maging mapagkumbaba. At dahil sinabi ko ito, sigurado hipokrito na ang dating ko dito. Pero diba naman. Alam ko tama yung ideyang yan. (ang yabang ko na yata. bwahahaha)
Hindi ko din gusto yung mga pasaway na mga lagpas bente anyos na hanggang ngayon hindi alam kung kelan magiging responsable. Mga iho at iha, magkaiba po ang laro at trabaho. Kung naiintindihan nyo, binabayaran kayo ng kumpanya para magtrabaho at hindi para mamili kung anong gusto nyo sa buhay. Hindi tama yung binigyan kayo ng trabaho na ayaw nyo e ayaw nyo na. Kung hindi kayo makapagresign at sasabihin nyo na wala kayong choice, e isipin nyo na lang. Dalawang taon kayong papapel ng ganyan dahil sa bond nyo? Tablan naman
Kung may tablan man dito pasensya na. Wala akong pinatatamaan (pero meron meron meron!). Sabihin nyo mang hipokrito ako, okay lang. (at marami pa kong gusting sabihin, pero tama na muna)
Pwede naman kayong mag-react at sabihin sa mukha ko na
--=+=--
Pag pagkabwisit pala marami kang masusulat no? Hahaha. Sa susunod, mga magaganda naman para patas ang takbo ng Feng Shui.
Dahil paborito ko si Kris Aquino e.
0 Statements:
Post a Comment