BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

10.28.2008

Of mac noodle da doodle.

Isa si Alfred Hitchcock sa paborito kong direktor ngayon. Dati kasi hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Hindi naman kasi nagpapalabas ng mga palabas ni Hitchcock noon sa Million Dollar Movies, kaya hindi talaga ako pamilyar sa kanya sa mga usapang sine. Pero alam ko may palabas sa telebisyon yang si Hitchcock noon, series baga. Alfred Hitchcock Presents yata ang titulo ng palabas na yun sa telebisyon. Tapos mala-tipong Charlie Chaplin yung background music.

At matatakutin ako noon kaya hindi ako nanonood ng mga ganung palabas.

Kamakailan lang, natagpuan ko si Hitchcock muli bilang isang direktor ng mga kagila-gilalas na pelikula. Ang isa sa pinakapaborito kong ginawa nya ay yung Strangers On A Train, nakornihan kasi ako sa North By Northwest. Ang astig pa nung Strangers kasi orig na dibidi yung kopya ko. Wala akong makitang pirata e.

Hindi ito konektado sa Strangers, pero ang isang istilo ni Hitchcock sa mga palabas nya ay yung paggamit ng temang Macguffin. Ang Macguffin ay hindi mabibili sa Mcdonalds kasi hindi naman Mcguffin ang pangalan nun, Macguffin po. Ha ha ha.

Kung napanood nyo yung Indiana Jones and the Crystal Skull (tama ba?), ginamitan ito ng Macguffin. Yung tipong akala mo yun ang tinatahak ng pelikula na direksyon pero hindi pala. Ang ending pala ay malayo sa nasimulang plot ng pelikula. At tulad sa Indiana, alien pala ang ending.

Tutal, nasa usapang Macguffin tayo, meron lang akong nais ipamahagi sa inyo. Maaaring nakwento ko na ito noon sa mga kakilala ko pero gusto ko lang isadula ito muli dahil hango ito sa tunay na mga pangyayari. Basta, parang ganun.

Nagsisimula ang storya natin sa pagkamatay ng isang batikang babaeng artista. Magaling sya dahil marami na syang naging pelikula at palabas sa telebisyon. Matagal din ang mukha nya sa telebisyon, e kaparehas mo ba naman yung Hari ng Pampatawa e syempre damay ka na. Astig diba.

Ang pagkamatay nya ay marahas. Hindi ko na ilalahad dito yun. Siguro naman napanood mo yung nangyaring to, mga ilang taon na ang nakalipas.

Ang gulo na kasi ng nangyari, kesyo yung asawa daw nya ang pumatay. Tapos ang anak nya hindi na din malaman kung sino ang pumatay. Kumbaga, wala nang patutunguhan talaga to tulad ng libo-libo nating mamamayan na hindi na na-sosolb ang kanilang pagkamatay.

E ano na ngayon ang koneksyon nung Macguffin sa usapan? Kasi ganito yan. Etong artista na ito may asawa, si R. Shood. Si R. Shood ay Macguffin (maaaring idepensa mo sa kin na decoy sya. Oo, pero gusto ko lang gamitin yung plot ng Macguffin kaya wag ka nang umangal, storya ko to) kasi simple lang naman. Hindi sya ang pumatay dun sa asawa nyang artista. Baket? Kung ikaw ba ay nakikinabang sa isang tao papatayin mo ba ito? Hindi naman diba? Ni hindi nga sya kasama sa last will and testament, bale ano pa ang punto mo na ipapatay yung asawa mo? Kung tinatakot mo man, hindi aabot sa ganitong karahasan yan.

Ganito, bago ko ituloy ang kwento kaunting background muna. Etong bida nating namatay, may maliit na grupo yan. Yung isa sikat na artista din. Kilala nyo yun, si Ina Cyan (itanong nyo yan dun sa mahilig sa mag-tap dance). Tapos yung isa pa nilang kabarkada, kamag-anak naming.

Ngayon, maagang namatay itong si Ina Cyan. Ibig sabihin, nauna syang mamatay. Ang hilig nitong dalawa, yung namatay at si Ina na namatay na din, ay ang pagsusugal. E itong si Ina, nilalapitan yan ng mga hustler na magsugal. Dyan lumalapit yung mga natatalo sa sugal at dun nila pinasasanla yung mga gamit na hawak nila tulad ng sasakyan, para lang manalo sa araw na yun.

Si Ina Cyan ngayon, maraming hawak na mga bagay bagay na hindi nya sinasauli hangga’t hindi sya nababayaran. E namatay sya. Ngayon, itong bida nating namatay, kinuha nya yung mga gamit na yun. Yung mga taong nagpasanla ng mga gamit, kinukuha na nila ngayon dito sa ating bida dahil ang punto nila hindi naman daw nila sa kanya pinasanla yun. Maaaring ayaw pumayag nitong ating bida kaya pinaslang nya.

Ang aming balita, ang nagpapatay daw ay isang sundalong mataas ang ranko. May bituin daw sa damit e.

Grabe no. Kaya ako hanggang beto-beto at tong-its lang e. Mahirap na.

--=+=--

Bitin na talaga ang istorya. Wala nang nangyari e.

At sumalangit nawa sana ang mga namaalam na.

0 Statements: