Ito lang ang masasabi ko, bakit ba nagdadatingan yung mga ito ngayon.
Akalain mo mayroong ganito, may grupo ng mga mang-aawit sa darating na ika y kinse ng Mayo.
Ang mga kakanta lamang ay sina jUjU (na katutugtog lang nitong nakaraan), Dianang Hari (siya yung kumanta nung Mahiyaing Lalaki at Ako’y Magsalita ng Maikling Dasal), Sanggol na Hinampas (siya yung kumanta nung Asuka Asuka), fRaNkIe J (siya yung kumanta ng Adeek at Sobra Pa Sa Salita), Gabing Madaling Araw (sila yung kumanta ng Maglagay Ng A-tulo Sa Ala-alang Masaya at Ako’y Mamamatay Kung Wala Ka), at sWv (sila yung kumanta ng Mahina at Nandito Ako / Taong Kalikasan).
Pero hindi pa natatapos iyan, may balita na tutugtog din daw dito ang bandang Yung-Sa-May-Harap-Ng-Sasakyang Pag-aamin.
Sabayan niyo ako sa pangalan ng banda muli, madali lang namang tandaan, Yung-Sa-May-Harap-Ng-Sasakyang Pag-aamin.
Ayan. Sila yung nagpasikat ng mga kantang Mga Kamay Binaba, Nakabawi, at Nanakaw. Ito talaga gusto kong mapanood. Peksman. Ang link, http://blog.edarevalo.net/dashboard-confessional-live-in-manila-2010/ .
Syempre, nandyan pa ang Luha Para Sa Kinatatakutan na gusto ko ding panoorin.
Nakakagulat din at nagpunta dito yung Nilagang’er Anak-Ng-Senior. Iba ang dating nung grupong yun. Sa huling balita ko, itong “boyband” na ito ay mayroong singkuwentang este labing-tatlo yatang myembro. Akalain mo.
Nanonood nga ko nung Jimmy Fallon kanina at nakita ko doon si Justin Bieber. Aminado na ko na malupet sa talento ang tomboy na ito. Saludo ako sa kanya. Pero sana naman babae yung gamit niyang pangalan. Hindi naman dapat ikahiya na kahit papano babae pa din naman siya. Justina Bieber na lang sana ang ginamit niyang pangalan. Astig yun hindi ba?
May gusto din akong sundan na pauso o pagsasayang ng oras, gusto kong gawin yung Tatlumpung Araw Ng Pag-aaksaya Ng Oras. Mukha namang astig e. Hehe.
At tatapusin ko na lang itong isinulat ko sa isang MTV ng paborito kong banda: Ako Ang Iyong Itay.
4.10.2010
~ Kantahang Abril ~
Observation By Targrod @ 01:24
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Statements:
Post a Comment