BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

9.28.2009

Of the thisdidntreallyhappentous #

But it did (pardon for the wrong grammar and bad english). As in pasensya na. I'm just typing everything on the top of my head. Baka sa weekend na ulit ako mag-Internet muli.

Reasons include we have no electricity. My computer is probably sira na because of the flood. I can't even use my cellphone for Internet kasi walang kuryente nga for loading. And to sum it all up, lahat ng gamit namin sa bahay wala na. Yes, nakatayo pa yung bahay namin but sira lahat ng pinto pati gate. At bumuwag pa yung bakuran namin na semento sa likod.

Ganito kasi yan. Flood na water lang is purely ok. I mean, tubig lang naman yun di ba? Walang problema dun. Madaling magpatuyo ng gamit. Pero it was different this time. Mud. Mud with flood ang dumating. And this is no joke. Nag-internet ako ngayon to take my mind off the cleaning of our empty house that will resume tomorrow.

Yes, I know we lost everything. Pero iba pa din pala ang human life. Whatever happened to us we found the real meaning of being human and yung importance ng pag save ng human life.

It was 7:00 am when it all started, inaway ko pa nanay ko na sabi ko hindi matindi yung ulan. Sanay na kasi kami sa baha sa bahay. Pero i gave in kasi nanay ko umiyak na at nagpark ako dun sa may Ever Gotesco Ortigas. Yes, yung street ng Ortigas Extension Avenue.

By 9:00 am, umakyat na sa binti ang tubig. I'm glad my dad was back at that time kasi may hinatid sya para dun sa marriage encounter. By 10:00 am, I had to evacuate my mom. Buti na lang mabait yung katapat naming bahay. As in buti na lang may second floor kasi sila and dun dinala ang nanay ko. Ang isang problem ko lang with this is lamigin ako, so akala ng nanay ko may trankaso na ko kasi nag-chill na ko sa tubig. Pero I have to fight it all off. Ako lang ang makakatulong actually kahit papano.

Yung tatay ko muntikan ng malunod, bumalik kasi ako sa bahay namin. To get some things. Close the main switch, etc. E sumunod pala tatay ko, it took me some more strength to put the more precious things sa mga topmost part ng bahay. Sadly, around 5 percent lang yata ang natira sa amin in the end. Nung nangulit na ko dahil ang bilis ng taas ng tubig na by 11:00 am, hanggang leeg na namin ang baha.

And thank God sumunod sa kin ang tatay ko kasi he told me na gusto daw nyang maiwan dun sa bahay dahil hindi na niya kaya. Buti na lang nakulit ko siya. Or else. May additional casualty.

And yan yung nangyari sa amin nung span ng five hours nung Saturday morning. Kahit anong gawin kong limot, matatandaan ko ito...

BUT

Hindi ito actually meant na manghina ako or kami. This actually made my family stronger. At I am thanking God na walang nangyaring masama sa aming pamilya. There were some quirks pero eto, buhay pa kami. Nandito ako sa Crossing, nag-Internet ng saglit. Ok pa.

Oo, ok pa naman kami. Don't worry.

And amidst the natural disaster, lumabas ang mga pagiging Filipino natin. So...

I am thanking our neighbors who gave us food nung lunch and dinner nung Saturday and breakfast, lunch, and dinner nung Sunday. Even the channel 2 peeps gave us something to eat at 4 in the morning ng Monday...

Buti na lang talaga wala nang ulan at mababa na yung floods nung Monday or else magugutom na kaming lahat dahil malamang ubos na yung stocks and we need clean water.

I am also thanking yung mga borders namin sa likod. Angelo, alam ko naging ordeal sa inyo ang lahat since kalilipat niyo lang, pero maraming maraming salamat talaga at hindi niyo kami iniwan.

I am also thanking yung mga tao na nakaremember (through texts and whatnot), I know maraming nagtatanong kung kumusta na ko. Eto, ok ako. Kaya ito.

Sa mga kamag-anak namin, maraming salamat sa pagtulong kanina sa bahay. Alam ko pupunta pa kayo to clean up our house, to give clothing, and to share your food with us. Maraming maraming salamat.

Sa mga nakalimutan kong pasalamatan... Oh (beej and nick, salamat sa pag effort nung load)... maraming maraming salamat sa inyo...

And Lord, alam kong alam mo na pagod na ko. Pero maraming salamat for giving me strength. Maraming maraming salamat po sa inyo.

1 Statements:

Anonymous said...

thank god you're ok! i got worried when i couldn't get any news about you & your family. i'll PM you thru bkada forum.

hang in there!

-najanaja