Walang katapusan…
--=+=--
Walang katapusan na itong pangako ko sa sarili ko na mag-a-update ako palagi ng “blog” ko dito sa Multiply. Mas bumenta na kasi sa akin yung kabaligtaran ng information overload. Gusto ko ngayong taon, magpahinga muna yung utak ko sa lahat ng mga hardcore na bagay.
Although, nami-miss ko din naman syempre yung may sampu akong reserved blogs at ipo-post ko na lang sila every day. Ang sarap din nung ganun a. Araw-araw may walang katuturan sa blog mo. Astig.
--=+=--
Walang katapusan ang pagpapacute ni Irene Cullen sa site niya. May gumago na pala dun sa una niyang post. Ika nga sa kasabihan, kung ano ang itinapon mo, pwede mong pagkakitaan sa pagre-recycle…
Este.. babalik sa iyo.
Pero ayaw niyang tumigil. May second post siya. Pero sumakit yung ulo ko nung nabasa ko ito,
“Now that you've displayed this frantic & desperate act to silence me, it only strengthens my resolve & my message!”
Hindi ko naintindihan. Wala na ba siyang bagong ma-post?
Ang boring ng buhay kung walang mga nagkakagulo at nag-aaway sa mga walang ka-torya toryang usapan.
Pero, yun ang magandang binabasa at pinag-iinteresan.
Tingnan niyo ngayon sa gobyerno, inuna pa nila yung lintek na con-ass na iyan kesa sa swine flu outbreak. Tatlumpu na yata ang tinamaan. Wala naman sanang mamatay…
--=+=--
Walang katapusan na din ba ang mga hanging senate inquiries sa gobyerno?
Lesh look at the situation.
Gagastos sila ng malaki. Tapos ano na ang mangyayari?
Wala. Bitin. Parang season ender ng television series.
Makukulong ba iyang si Hayden?
Ay nako. Nakakasawa na.
--=+=--
Walang katapusan din ang haba ng trapik sa south super highway. Hindi ko alam kung sinong damuho at gago ang nag-isip na, “why don’t we fix the whole stretch? It is a good publicity for next year’s elections.”
E anak ng pitumpu’t puting tupa pala kayo e. Naiisip niyo ba yung ginagawa niyo. Lahat ng mura inaabot niyo na, hindi niyo lang alam.
Pordyos porsanto, are we expecting another crap like this, four or seven years from now? Maawa naman kayo sa mga tao.
At malamang, mas masarap tuloy bumiyahe na lang sa north…
Peter… =D
0 Statements:
Post a Comment