BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

5.11.2009

Of the lalarolaro #

Last week naman to nagawa…

 

--=+=--

 

Ako’y mahilig sa panonood at pagsali sa mga contests (like duh, obvious ba). Iba kasi ang high na nakukuha dun. Medyo papansin lang talaga ang dating kung titingnan mo sa ibang anggulo pero syempre ang punto mo dun yung pera… yung datung… yung tapwe (ay small time)… yung moolah.

 

Nandun na din syempre yung pagsikat mo ng labing-limang minuto pero dedma na lang yun talaga, pera lang talaga minsan ang focus mo kasi yun naman talaga ang ginawa mo kaya ka sumali.

 

Maaaring yung experience din, pero darating kasi yung punto na malamang maadik ka kung nagustuhan mo at nabagayan sa yo yung laro. Ika nga nila, professional contestant.

 

Kaya kung ililipat mo sa mga malulupit na channels ngayon ang channel (oo nga, yung channel na hindi pabango), marami kang makikitang mga palaro sa tv.

 

At sorry naman, napahaba ang intro, dulot lang nito ang oras na napakarami ngayon para sa akin sa opisina.

 

--=+=--

 

Ako ay lubos na nagpapasalamat at natapos na din yata ang churvahan ni Tony Boy at ni Gretchen. Napanood niyo ba yung gameshow niya sa channel 5? Arudyosko, ang sakit panoorin. Maaaring bago kasi siya sa aking pananaw, pero ano ba naman yung mga trivia type of questions na ibabato na:

 

“ano ang masarap na luto ng pansit?”

 

At gagawin siyang ala-family feud na galing dun sa audience. Right.

 

Ok na nga yung mga shows ng five ngayon, ok na. Sumabit pa dun.

 

Buti na lang papalitan na to-its ni bossing.

 

--=+=--

 

At dahil ako ay natengga sa bahay ng ilang araw, napanood ko din syempre ang reformatting ng Game Ka Na Ba. Hindi na siya tulad ng dati na solo flight ang laro. Medyo team game na siya ng tatlong tao.

 

Tatlong tao mga kapatid sa pananampalataya.

 

Medyo hindi ko nasimulan pa din, hanggang ngayon, kung paano nabuo yung two teams of three na nagbabakbakan at nagpapatigasan… uhm… nagpapagalingan ng dunong sa isa’t isa.

 

When I say isa’t isa, yung two teams yung nagtatalo.

 

Medyo maganda naman ang takbo ng mga tanong, as usual, at yung game play ok lang din naman.

 

Kailangan ko pang panoorin ulit para pumasok sa utak ko yung takbo ng laro.

 

Medyo maganda din nga pala ang style nung game, kasi teamwork talaga ang usapan dito. Mauuso talaga ang salitang “blame” dito kasi malaki yung pagkakataon na sumabit yung kasama mo, kaya dapat kilala niyo din yung isa’t isa or else.

 

Lumiit nga lang ang jackpot prize, maghahati ang tatlong tao sa dalawang milyong piso.

 

--=+=--

 

May pausong bingo naman sa channel 2. Host ngayon dun si Kris Aquino.

 

Right.

 

Hindi ko alam kung yun na talaga yung gameplay niya, bale bingo type of game siya. Tapos may artistahin na mag-iisip kung odd o even yung bingo number. Pag tama siya, mauubos yung nine balls dun sa video board.

 

Ano? May nine-ball? Bilyar bigla?

 

Ewan ko ba kung paano nila na-connect yung bilyar dun sa laro. Kung sino man ang nag-isip nun parang umikot lang sa barangay at pinag-isipan. “Aba aba! Sikat ang bilyar at bingo sa mga barangay. Dish gibs me an idea.”

 

Kulang na lang basketball.

 

Hindi ko na talaga tinapos yung show ni Kris, nakakaasiwa na din naman kasi siya tsaka bakit ako manonood ng palabas na halos nakikita ko naman araw-araw.

 

Wash the point?

 

Syempre, as intellectual viewers (yihee), we always crave for something new. Ganun talaga. Create a new idea for us that we will enjoy. Hindi siya madali pero ganun talaga.

 

Parang pagkain ng alimango.

 

--=+=--

 

Kaya nilipat ko na lang sa channel 7 yung palabas. Aba aba ang saya nung palabas sa siyete ngayon. Kung pamilyar kayo sa mga Asian gameshows na napapalabas sa Ellen, naisama dun yung moving wall (basta, parang ganun).

 

May butas yung wall na hugis tao, at gagayahin ngayon nung taong yun yung hugis. Pag hindi niya nagaya ng maayos, maaaring matulak siya sa kumukulong asido…

 

Medyo boring nga lang yung sa siyete kung yun ang mapapanood mo araw-araw. Naman di ba, limang araw na may gumagalaw na wall.

 

Right.

 

Ito lang ang maliit kung suggestion sa kanila. Bakit hindi pa nila kunin yung mga idea ng mga adeek na mga Hapon at iba-ibahin nila sa pang-araw araw.

 

Mabilis magsawa ang tao kung halos pare-pareho ang nangyayari.

 

--=+=--

 

Ayun. Churva lang.

0 Statements: