I’ll be posting a weekly five movie review every week (chong, weekly and every week in one sentence, anobeh) and I’ll start this week and hopefully do it week after week (that’s better. That’s five “week”s in one sitting este sentence.)
So, in short, magfi-feeling lang ako na para akong si Ebert and Siskel. Naisip ko kasi na madalas naman akong manood tapos wala naman akong masulat…
Sabi nga sa kasabihan, it all falls into pieces like some puzzle pieces, you’ll never know what you gonna get… (hanodaw?)
--=+=--
The Host
Summary: Isa itong movie na ginawa sa
Why you have to watch it: Para sa isang Sokor movie na kung hindi pa kayo nagsasawa sa sandamukal nilang malulupet na mga love story related movies, isa itong breather para sa inyong lahat. Ang maganda sa film na ito, nasimulan sa comedy at monster at natapos sa drama at monster. Kung galit kayo sa banyagang Amerika, e ito na ang palabas na para sa inyo. Nakakatuwa kung paano nila ini-spoof ang Agent Orange.
Why not: Hindi na dapat namatay yung tatay nung bida. Kasi kung yun yung selling point na dapat tanga talaga yung bida e hindi masyadong bumenta sa akin. Hindi pa ba sapat na katangahan niya yung pagsama ng anak nya dun sa monster at kailangan pang dagdagan para sa pagkamatay ng tatay niya? E ganun pa din naman ang mangyayari, kailangan nilang sagipin yung bata. Unless na excess baggage lang yung tatay kahit na siya talaga yung may pinaka-utak dun sa buong pamilya.
--=+=--
Knowing
Summary: Isang bata ay nakatanggap ng churva na papel na galing sa isang time capsule at nakasulat dun lahat ng mga major disasters na nangyari limampung-taon na ang nakaraan.
Why you have to watch it: Giving Nicholas Cage another chance. Kahit na sunod-sunod na ang mga flop niyang movies tulad ng Ghost Rider, Bangkok Dangerous at yung movie na ginaya ang Da Vinci Code, hindi mo pa din makakaila na bigyan siya ng fifth chance. Hello, ang ganda kaya ng The Rock, Face/off at ng Gone In 60 Seconds. Pagbigyan ninyo naman yung panot na ito. At the same time, interesting yung plot a. Parang Unbreakable ang dating.
Why not: At anak ng pating naman, hindi pa ba sila nagsasawa sa ganung ending. Kaya nga galit nag alit ako sa Indy 4 dahil sa ganung ending tapos eto na naman po tayo. At kulang ang build-up nung ending. Parang… eh? Yun na yun. Buti pa ang The Day After Tomorrow, may impact. Pati Deep Impact (pero hindi kasama ang Deep Throat a.)
--=+=--
Fast and The Furious 4
Summary: You know what. Hindi ko talaga nasundan yung movie. Basta ang alam ko eto talaga yung tunay na sequel nung unang Fast and The Furious. Hindi yung two at lalong-lalo nang hindi yung walang kakwentang kwentang drift movie.
Why you have to watch it: Come on, hamon. Sequel ito nung first movie. Syempre old-school Vin Diesel ito at nagdadasal ka na sa bumenta yung movie kaya pinanood mo siya. At syempre nandun si Michelle Rodriguez na din.
Why not: Anak ng ewan, namatay ba talaga si Michelle? Hindi ko talaga siya nasundan masyado, naglilinis ako ng kwarto ko nung pinanonood ko ito. Akala ko panalong super ito e. Yung stunt lang sa gas ang happy. At yung mga kotse, kotse pa din sila. Nawala na para sa kin yung awesome-ness factor ng mga naka-set up na kotse. Nagsawa na ko sa pagseset-up nyan sa Need for Speed Underground.
--=+=--
Barb Wire
Summary: Isang vigilante babe na pumapatay ng dahil sa pera.
Why you have to watch it: Si Pamela Anderson Lee ang bida sa movie na ito. Hindi ko alam kung magiging enticing pa din sa inyo ang pag-topless niya sa simula ng movie. Hindi sa kin bumenta yun pero yung pagiging B-movie nung film ang bumenta sa kin. Bihira ka kasing makapanood ng ganito na isang tulad ni Pamela ang gagawa ng action movie. It is so stupid, it must be good.
Why not: B-movie sya. Kung ano man ang elements ng isang movie na tulad nito at hindi ka nag-eenjoy sa mga ganung klase, hindi ito para sa iyo. (hindi ako masunget. Hehehe.)
--=+=--
Fame
Summary: Storya ng buhay ng mga estudyante sa isang school para sa mga non-logical courses tulad ng pagkanta, pagsayaw, at paggawa ng paputok sa Bulacan.
Why you have to watch it: Unang-una, ang soundtrack. Isang malupet na movie na puro magaganda ang mga kanta. Nandito yung mga hits ni Irene Cara at ultimo yung Is It Ok If I Call You Mine ni Mccrane ay nandito din. It was refreshing again to watch this type of film, parang Saturday Night Fever.
Why not: Bakit hindi ko gusto yung ending nung guy na mahilig sa one-man orchestra? Wala lang. Yun lang ang reklamo ko.
(coz I remember your name… fame!)
--=+=--
(odiba. Ang boring na ng mga sine-share ko sa mundo. Hahaha!)
0 Statements:
Post a Comment