BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

3.23.2009

Of the p-lat #

May nabasa akong kasulatan (katabi ko kasi si Brod Pete nung araw na iyon, and yeah, kasama din namin si Brother Jocel) tungkol sa mga pangyayari noon. Sa site ni Ate Argie ko lang naman naulinigan ito.

Hindi ito tungkol sa peklat pero ito yung gusto kong itanong. Nagka-peklat ka na ba (peklat na!)? Oo, yung maliliit na bilog na makinis na nakaukit na sa labas ng balat mo. Yung mga dinulot ng kaligayahan ng iyong kabataan.

Nagtatanong kasi ako sa nanay ko nung isang gabi, kung lubos niyang pinagbawal ang mga bagay-bagay na ginagawa ko nung bata ako. Sabi niya sa akin na hihirit lang siya pero hanggang dun lang. Kumbaga, kung masaktan man ako sa gagawin ko, sagot ko na iyon.

Hindi naman ako nagtataas ng bangko o ano pero sa tingin ko mainam pala talaga ng pagpapalaki ng mga magulang noon. Yung tipong nasasaktan ka, nadadapa, nasusugatan, at nagdudugo. Ok lang pala yun.

Sabi nga dun sa kasulatan na ang mga tao noon o yung mga kabataan, galit sila o angst na tinatawag sa isang sitwasyon o bagay. Maaaring ang gobyerno natin. Maaaring ang paaralan. O kung ano man.

At nakita ko na lang ulit ito sa Plurk, na ang kabataan ba talaga ngayon galit sa wala? Alam na naman ng lahat ito, ito yung tinatawag na emo.

Kung mag-aanalyze tayo, yung mga nasaktang kabataan noon malamang tumanda sila at syempre ayaw nilang mangyari sa mga anak nila yung mga pisikal na sakit na nangyari sa kanila at ngayon natutuwa pa nga sila kasi nasa loob lang ng computer shop yung bata. Hanggang virtual lang yung sakit.

Kunsabagay, nung bata ka, syempre hindi ka pa capable para sa mga hardcore emotional issues. Kumbaga hindi mo alam yun, so malamang pisikal na sakit lang ang mararamdaman mo. At pagtanda mo, lahat na ng sakit mararamdaman mo. At nasa sa iyo na siguro kung paano mo mahahandle yung situation. Kung hindi mo man naramdaman yung mga sakit noon, kahit pisikal man sya, hindi mo maire-reference kung may mangyari man sa iyong hindi kaaya-aya ngayon.

--=+=--

Hindi ko matatapos tong naiisip ko. Wala akong gustong patunguhan. Naisip ko lang.


Churva lang to.

Pero masarap gumawa ng pag-aaral sa ganitong usapin. Kaso hindi naman ako eksperto sa ganito, papansin lang ako. =)

0 Statements: