BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

9.23.2008

Of some booze.

Ang sarap malasing no? Yung pagsimula pa nga lang sa pag-inom masarap na. Maaari kang mamili ng paborito mong alak. Meron nung pang dyologs tulad ng lapad o pwede din bilog. Meron sa sosyalin tulad ng lights o yung mga tinatawag na mixed drinks tulad ng Margarita at Sex on the Beach. Kanya-kanyang panlasa din. Pwede sa dyologs ang sosyal na inumin at iba pa.

At ganun din sa pagkakaroon ng isang relationship.

Ang pagmamahal walang pinipiling edad, gender, status, katayuan sa buhay, layo ng lugar, o kung ano pang hokus-pokus. Ganyan kagaling pumana si Mr. Kupido. Pag tumama at sumapol ang kakambal na bala ng pana, taob ang lahat. Pati na yung limang taong mong inayos na domino setup.

Kumbaga, maraming klase at maraming type. Sabihin mo man na ang alak hindi nakakapili, sa yo pa din naman manggagaling ang desisyon kung masasarapan ka sa lasa ng alak na to-its.

At hindi pa tapos ang lahat ng ito.

Darating ang araw na may magugustuhan kang uri ng alak. Yun bang personal favorite mo. Maaaring ito lang ang iniinom mo simula nung uminom ka ng alak. O kaya’y pumatok ang lasa sa yo kaya ayaw mo nang magpalit.

Parang pagmamahal yan.

Dyan ka na tatambay. Oo, sa uri ng alak na yan. Hanggang mamatay.

Pero sabi nga nila pag nasobrahan ka sa alak at hindi mo na kinaya ang powers ng alak. Maaaring magkaroon ng masamang epekto sa yo ang kalupitan ng alak na ito. Ganun talaga e. Wala kang magagawa. At kadalasan ang una mong gagawin ay isuka ng isuka ng isuka ang lahat ng ito. Kung ano man ang kinain mo nung gabing yun, aynaku, daig pa ng sansinukuban ang dami ng isusuka mo kasabay minsan ang napakasakit nang nararamdaman ng isang sumusuka.

Syet. Yung masakit na masakit. Alam mo yun? Yung kulang na lang ay ilabas mo na ang apdo at atay mo. At mapapa omaygad ka talaga. Sa sakit.

Parang break-up. Lalong lalo na kung first time. Potah. Ang sakit nun. Pramis. Para kang nilagay sa timba ng kumukulong suka. Akala mo ikaw yung baboy na ililitson.

Pero syempre. Lilipas ang panahon. Maaaring matuto ka sa lahat.

Maaaring maging tanga ka at subukan ulit ito.

Tao ka lang kasi.

--=+=--

Pramis. Pwede mong i-kumpara ang lahat sa pag-ibig kahit dumi.

0 Statements: