BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

9.09.2008

Of a meat on a stick.

Hanggang ngayon pag sinabing isaw ang isang bagay ang tumatatak kaagad sa utak ko yung bituka. Oo, yung bituka ng manok o yung bituka man ng baboy. Para sa kin walang pinagkaiba yun. Pareho lang sila. Pero ang hindi ko maintindihan pag sinabi mong isawan, kasama na nung bituka yung mga kahanay nya dun sa binebenta ng tindera na mga laman na hindi ginagamit sa pang-araw araw.

Bale hindi ko pa rin talaga maintindihan kung ano ba talaga ang isaw. Pag sinabi mo bang isaw e yung parte ng isang hayop na kakapiranggot at tinuhog sa isang stick? Tapos niluluto sa isang ihawan? Yan na ba yun? (as in that’s it?) E di ba pag nag-ihaw ka ang tawag din dun barbecue? Bale, ang tagalog ba ng barbecue ay isaw? Naguguluhan na ko.

Parang pag-ibig. Ang isaw parang pag-ibig yan e. Ang sinasabi kasi sa tin nung mga bata tayo ng ating mga magulang na wag kumain ng isaw, madumi yan. Parang pag-ibig, hindi basta pabor ang iyong magulang pag pumasok ka kaagad sa isang relationship.

Pero syempre pagdating mo ng edad sa pagbibinata o pagdadalaga darating dyan yung tinatawag na peer pressure. Kahit bawal ang isang bagay posibleng gawin mo sya. Tulad nyan, sasabihin nila masarap daw ang isaw. Syempre kahit papano titikman mo yang isaw na yan. Parang pag-ibig din. Kahit papano titikim ka din. Maaaring maakit ka sa sarap ng isaw, maaaring ayawan mo sya. Pero nandun yung punto na susubukan mo sya.

Pa-rang pag-ibig.

Pero syempre nasa sa iyo kung paano ang diskarte mo sa buhay. Maaaring masarapan ka. Maaaring maghanap ka ng ibang lasa. Maaaring iba na ang tikman mo. Maaaring subukan mo ang betamax, ang balun-balunan, ang ulo, ang paa, ang tenga, at kung ano-ano pang isaw.

Posible din syempre na gawin mo sa pag-ibig yan. Pero dyan na malamang papasok ang utak natin, ang konsensya. Ang pagkain ng isaw, hindi ka tatablan ng konsensya dyan dahil parte yan ng survival ng isang tao. Maaaring yun lang ang sole difference ng dalawa. Pero diba, tutal kahit papano kung tumatakbo ang buhay mo sa isang bawal, maaari ka din talagang tumikim. Pero yung tikim na yun, minsan hanggang tikim lang.

Maaaring magulo ang analogy ko. Dahil magulo akong tao.

Pero ilang buwan na kong hindi kasi nakakakain ng isaw. Gusto-gusto kong bumili sa Grill Queen nung isaw nila pero baka naman sapok sa aking pananamit ang pagkain ng isaw.

Marahil kinahihiya ko ang pagkain ng isaw pag nakasuot pang-opisina ako.

Pero pag mag-isa or pag may inuman, makikipag unahan pa ko.

Sarap ng isaw no?

--=+=--

Tinamad na kong mag expound expound ng chorva. Hehehe.

At nito lamang Miyerkules nakatikim na muli ako ng isaw. Inulam ko at kinain ko sa kinagabihan.

Rap-sa.

0 Statements: