BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

9.13.2008

Of a number (one)

Ang astig at malupet talaga ng mga palabas na may listahan o yun bang maraming myembro. Ang totoo nyan ako lang siguro ang nalulupitan.

Nanonood kasi ako kahapon ng Gone in 60 seconds. Tinatandaan ko kung bakit gusto ko yung palabas na yun. Inisip ko astig yung galaw ni Nicholas Cage dun, yun bang bago nila simulan yung pagnanakaw ng mga sasakyan. Yung ginagalaw nya yung dalawang kamay nya ng taas-baba. Basta yun. Astig yung parte na yun. At syempre astig din si Angelina Jolie (pasok Siling Giniling para sa kantang Angelina Jolie) kasi para syang ewan na pokpok dun. Pero dun naman talaga ang ka-astigan ni Angelina diba. Isipin nyo, Girl, Interrupted at Hackers, medyo malupet ang mga itsura nya doon. Nawala na nung naging Peace Corp ewan sya. Namimiss ko yung kadumihan nya. Kaya nga bagay sila ni Brad Pitt.

Ngayon, inisip ko ulit bakit pumatok sa kin yung palabas. Aaah… yun palang kinolekta nilang mga sasakyan. Naaliw ako sa listahan, kahit hindi ko kabisado yun. Panalo pa din sa puso ko.

At kaya siguro bumenta sa kin ang mga palabas na The Goonies, My Sassy Girl, Seven Samurai, Snow White and The Seven Dwarfs (mali! Snow’s White dapat. Engot talaga tong si Manong Disney), Mystery Men, Teenage Mutant Ninja Turtles, at A Very Special Love.

Pero diba. Mas matatandaan mo yung pelikula pag may mga taong marami na siguradong matatandaan mo kahit isa lang.

Pati nga Serenity e. Alam ko hindi sya bumenta dito sa Pilipinas pero matagal kong hinanap yung pirated nun. Halos nakatatlo akong bili kasi sira palagi yung kopya ko. Ang problema nga lang, hindi ko matandaan yung mga myembro nila. Dapat siguro talaga may nametag ang lahat ng mga palabas na ganito.

Isipin nyo, kung may nametag lahat sila. Ang astig nun diba? Para hindi ka nawawala sa storya. Minsan kasi pag inabot na ng dalawampu ang bida ng isang palabas nakakalimutan mo na yung unang pinakilala sa yo.

At mauuwi sya sa pangalang si “ano”.

“E si ano pala yun. Kanina ko pa nakikita yang ano na yan, natatandaan ko lang sya kasi pula yung balakubak sa may itim nyang sando. Kanina pa nga ano ng ano yang si ano. Ewan ko ba. Parte naman sya ng palabas pero ano pa din ang kilala ko sa kanya. Naano tuloy sya…” (parang ang korni. Bwahahaha.)

Wala lang. Nakakatuwa naman talaga yung may binibilang ka habang nanonood ka. Kasi kung kasimpangit ng palabas ng anak ni Anabelle yan, yun na lang ang sasalo sa pelikula.

At walang kakwenta-kwenta na naman ang sinulat ko.

--=+=--

Gusto ko ng duhat at bagoong.

--=+=--

Ngayon ko lang naisip, napakahirap palang mag-isip ng pangalan para sa mga tauhan ng isang palabas. Paano kung isang daang tao yan at iisa-isahin mo sila. Grabe noh? Pakshet talaga.

So, anong punto mo. Wala lang. Wala pa din…

--=+=--

Nakita ko sa isang stasyon ng lotto: “Bawal ang Bata”

Bale, hindi na pwedeng tumaya dun si Efren Reyes?

O tawa naman dyan…

…ayawan na. (Buti magdo-double post ako… bwahahaha)

0 Statements: