Mga kaunting bagay lang na gusto kong tandaan o isulat. Hindi naman ito importante. Hindi ito makakatulong sa pagkalugi ng mga uber na mayayaman sa mundo (akalain nyo nalugi ng 25 billion o 25 percent yata si Bill Gates nung nakaraang taon pero sya pa din ang nasa top spot ng Forbes.) At hindi din ito emo post.
Unti-unti nang nalalaos ang emo emo na yan e. Malamang iba na naman ang susunod na pasisikatin ng mga maaarte.
Tulad ko.
--=+=--
Baka mayroon ako ng Borderline Syndrome.
Ganito yan. Ang borderline churva na yan, bale yung taong meron nito, kaya nyang mag-shift ng mood from one high to another high. Kunwari, nag-dyudyuts ka tapos bigla kang mag-e-ex.
Bwahahaha. Ang korni noh. Pero hindi yan yun.
Kunwari masaya ka tapos bigla kang malulungkot.
Sa Pilipinas ang tawag dun Sisa complex. Kaya ko kasi yan o baka naman sadyang artista at maarte lang ako? Poide din.
--=+=--
Halos wala na talang nagba-blog masyado ngayon KUNG ikaw ay nasa mundo ng micro-blogging.
Ganito naman yan. Ang Micro para syang Uniwide Sales at S&R na grocery.
Pero korni na naman ito. Hehehe.
Ang micro-blogging, kung nakatira ka pa din sa bundok, yan yung mga tulad ng Twitter at Sylvesterrrr (hehe) tsaka Plurk. Maraming beses ko nang inuulit ito pero ngayon pa lang syempre darating ang epekto ng mga lintek ng micro-blogging na yan.
Nakakaubos talaga sya ng oras.
Pero hindi ako titigil. Masaya pa dun e. Tsaka nakaka-miss lang talaga ang forums.
--=+=--
At bakit ba uso ang mga namamatay ngayon?
Posible ba yan sa magnetic force na nakakaapekto sa tubig at possibleng makaapekto ito sa tubig sa ating mga utak?
--=+=--
At yung kantang Kaleidoscope World, parang pamilyar di ba? Narinig nyo na ba yung Here, There and Everwhere ng Limp Bizkit?
Hehehe. Ng Beatles syempre.
0 Statements:
Post a Comment